Linggo, Pebrero 19, 2012

Maria Clara Ngayon

Malilibog din pala ang mga babae. Pero sa tinagal-tagal ng panahong lumipas, mas litaw o lantad pa rin ang kalibugan ng mga lalaki kumpara sa mga babae.

Tama nga, malibog din sila - tinatago nga lang nila. Mas conscious lang talaga ang mga babae sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanila kaya siguro hindi sila lantaran na nag uusap tungkol sa mga panatasya nila kapag may mga lalaki sa paligid, malamang dahil huhusgahan kaagad-agad sila. Nasa loob ang kulo, sabi nga ng iba. May kaugnayan nga rin siguro ang mga umiiral na paniniwala sa lipunan na ang mga babae ay dapat umasal ng naaayon sa batayan ng lipunan ng tamang ugali ng babae. Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unting lumalaya ang kababaihan sa construct na ito - nagiging liberal na ang kanilang pag-iisip dulot ng mabilis na globalisasyon.

Madalas puro babae ang nakakasama ko kapag wala akong ibang ginagawa, nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila kasi malamang ay hindi ako masyadong nakaka-relate - usapang babae kasi lagi. Karaniwang pinag-uusapan nila ay ang mga TV series, mga relasyon sa lalaki, at iba pang bagay basta may mapagusapan lang. At ang medyo nakakabobong pinag-uusapan nila, ang mga pantasya nila - mga maaaring ebidensya ng kalibugan na nakatago sa kanilang maaamong mukha.

Isang beses nakikinig ako sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan kong babae, biglang nagkwento si Lisa(hindi tunay na pangalan) tungkol sa kanyang pagpapantasya kay David Beckham. Noong una, nagkwento lang siya tungkol sa kung gaano niya pinapangarap na mahawakan ang abs ni Beckham. Tapos biglang humirit iyong isa ko pang kaibigan, Mari(hindi rin tunay na pangalan), na pano raw kung biglang ma-rape siya ni Beckham pag nakahawak na raw si Lisa sa abs nito. Hanggang sa umusad pa ng umusad ang kanilang kwentuhan ng pantasya sa mas detalyadong mga gagawin daw ni Lisa kay Beckham kung sakali nga raw na ma-rape siya o mag-sex sila. Hindi ko na masyadong pinakikinggan ang usapan nila pero may isang parte pa akong naaalala. Gusto daw niyang madilaan si Beckham mula leeg pababa. Nagtanong si Mari kung hanggang saan daw niya ito didilaan. Sagot kaagad ni Lisa "Alam mo na yan". Tapos bigla na lang silang nag hagikhikan na parang ewan. Kaya mula sa usapan nilang ito, naisip ko na madalas silang nag-uusap ng tungkol sa mga ganitong bagay dahil sabi nga ni Lisa na alam na ni Mari iyon.

May isang beses rin na nakarinig naman ako ng mga kung anu-anong pinag-uusapan ng mga babaeng high school students doon sa KFC. Nagkukwentuhan sila tungkol doon sa mga lalaking gusto nila. Sabi ng isang babae nag overnight daw sila doon sa bahay ng isa sa mga lalaking gustong-gusto raw niya. Nag-inuman daw sila, at nang nakatulog na raw itong lalaking gusto niya, hinawakan daw niya ang dibdib nito. "Ang hot niya talaga, as in literal na hot ha, ang init-init ng katawan niya while sleeping." sabi ng babaeng nagkukwento. At sabi pa niya, sisilipin niya sana kung gaano kalaki iyong ari noong lalaki kaso nga lang ay nakakahiya raw dahil baka makita raw siya nung iba pang gising. Hindi ko na natapos pakinggan ang kanyang kwento dahil umalis na kami ng aking mga kasama.

Nag-iba na nga talaga ang mga babae. Ang sinasabi ng mga matatanda na kasing hinhin, at tahimik ni Maria Clara ay nagbago na. Naging mga manyak at malilibog na sila ngayon. Ang dating Maria Clara na kapag biniro mo ay ngingitian ka na lamang tapos magtatakip ng kanyang pamaypay, ngayo'y sasagutin ka pa ng "Tumahimik ka nga diyan, chupain kita diyan e!"

2 komento:

  1. Mahalagang isaayos muna ito sang-ayon sa wastong baybay at pagsulat na tinalakay ninyo sa Fil 12. (Sa unang talata pa lang: "Malilibog din..."; "Pero sa tinagal-tagal.." o "Pero sa tagal.."; "...lantad pa rin...".)

    Sangguniin ang "Gabay sa Ispeling" upang maiwasan ang marami-rami ring pagkakamali rito. Kapag natiyak na maayos na, saka muling i-email sa akin ang link.

    TumugonBurahin
  2. Tiyakin na maayos ang pagsusulat sa mga susunod na entri upang hindi masayang ang nilalaman. Mahigpit ako rito lalo pa't dumaan na kayo sa Fil 12.

    TumugonBurahin