Lunes, Pebrero 20, 2012

Kamatayan: Depresyon

 Nakamamatay ang depresyon, sadyang hindi natin ito maiiwasan. Unti-unti nitong pinapatay ang isang indibidwal sa anumang paraan. Hindi man diretsong nagdudulot ng kamatayan, nagbubunga pa rin ng iba't ibang dahilan na nauuwi't nauuwi rin sa kamatayan. Pinapasok nito ang isipan tao at hindi ito tinatantanan. Minsan pa nga'y umaabot sa puntong tinatakasan na ng bait ang mga taong depressed. Mga taong grasang nagsasalita mag-isa, mga nabaliw dahil nawalan na ng pag-asa. Maaaring dahil sa gutom kaya sila nabaliw, pero maaari rin naman na dahil sa matinding kalungkutan. Ewan, siguro marami pang ibang dahilan. Pero kahit ano pa man iyon, masyado talagang masalimuot ang kinahantungan nila.

Depresyon,
Kalaban ng nasyon,
Emosyonal o pang-ekonomiya,
Tagapaslang ng saya.

Kalungkutan,
Supling ng kasamaan,
Pakiramdam na napakabigat,
Iiwanan kang laging naka mulat.

Kahirapan,
Supling ng kasakiman,
Panggastos ay di sapat,
Isip ng isip kaya payat.

Depresyon,
Kalungkutan at kahirapan ang panglason,
Estadong kasing pait ng ampalaya,
Tumatapos ng buhay na pinagbawalan ng ligaya.


2 komento:

  1. Tulad ng sinabi ko sa nauna mong entri, isaayos muna ito, Francis. Halimbawa'y walang salitang "parin" (pero mayroong "pa rin"). Tiyakin na seryosohin ang pagsasaayos upang hindi masayang ang isinulat. Kapag naayos na, muling i-email sa akin ang link.

    TumugonBurahin
  2. Binibigyan kita ng +1 na LG para sa entring ito bagaman may mga pagkakamali pa rin sa baybay rito (tulad ng dapat sana'y "nakamulat" sa halip na "naka mulat").

    TumugonBurahin