Sabi sa klase, ang postmoderno raw ay mas nagbibigay tuon sa karanasan kung paano ginawa ang isang likha at hindi dahil sa ibig sabihin ng likha. Kung gayon, maaaring bigyang pagpapahalaha ang isang likhang walang kwenta pero sobrang kakaiba naman ng karanasan sa likod ng pag gawa nito o ang mismong paraan ng pag gawa nito.
Bigla na lang akong nagkaroon ng ideya kung papaano ako maaaring makagawa ng sariling proyektong postmoderno. Naiisip ko ang isang social experiment
na kung saan isasapelikula ang reaksiyon ng mga manunuod kapag ang
pangkaraniwang panunuod lang sana nila ay mag-iiba ng lubos na parang
ginagago na sila, siyempre ibabalik ang kanilang ibinayad at
ipapaliwanag kung bakit ginawa ang pag gago sa kanila.
Ito ang plano:
Paano na lamang kung biglang Indie
Film na ang ipapalabas sa sinehan imbes na Enteng Kabisote dapat
mapapanood? Parehas pa rin ang mga artista na gaganap ng kani-kanilang
mga role pero iba na ang production team na mamamahala sa pelikula, film majors na galing UP na ang mamamahala imbes na ang mga
karaniwang gumagawa ng pelikula. Matutunghayan ng mga manunuod ang isang
pelikulang low-budget, kung may special effects man na ilalagay ay
mababa lamang ang kalidad nito, iba na ang galaw ng istorya, at kung ano
pa man na mga pagbabagong hindi inaasahan ng mga manunuod.
- Imbes na laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, lahat ng naglalaban ay masasama lahat: Ang pamilya ni Enteng Kabisote na naging mga terorista laban sa mga dating diwata na naging mga masasamang loob na lamang, at hindi talaga laban na pisikal kundi kompetisyon na lamang kung sino ang mas magaling na masamang loob sa dalawang panig.
- Ang pelikula ay open-ended, bigla na lamang puputulin ang eksena kung saan hindi pa nalalaman kung sino ang nananalo sa kompetisyon at lalabas na lamang sa telon ang mga katagang "Tapos na ang palabas, maaari na kayong tumayo at lumayos sa inyong kinatatayuan."
Kung
papayag ang mga artista na gaganap sa Enteng Kabisote pati na rin ang mga
kaibigan ko na film majors sa UP, maaaring maging posible ang proyektong ito.
Makakagawa na ako ng isang proyektong walang kwenta sa mata ng makakakita nito
ngunit may nakakatuwang alaala naman na maiiwan sa mga kasama sa pag gawa nito.
Ang saya siguro gawin nito?
Sa sandaling umaasa ka nang magkaroon ng saysay (sa kaso mo, saya) ang ginagawa'y bigla kang bumabalik sa sensibilidad na moderno. Marami pa ring typo at maling baybay ng salita; inaasahan kong mas maayos pa ito sa susunod. Subalit dahil sa pagtatangkang mag-isip nang malikhain, binibigyan kita ng +1 na LG para rito.
TumugonBurahin