Maraming Pilipino ngayon ang walang trabaho. Maaaring dahil hindi
sila nakapagtapos o hindi makahanap ng trabaho. Karamihan sa mga Pinoy
na walang trabaho'y madalas nating makikita na nakatambay sa kung
saan-saan: sa kalsada, binubungang palaruan, tapat ng tindahan, at sa
kanilang mga bahay.
Todo depensa pa ang ibang tambay
kung bakit sila nakatambay na lamang at hindi na naghahanap ng trabaho.
“Tambay by choice” ang dahilang sinabi ng karamihan. Ang iba nama'y
naniniwala nga talaga sa mga kasabihang pabiro, tulad ng "buti na ang
tamad kaysa pagod.”
Ang iba nama'y tanggap na ang naging
kapalaran nila: sawi sa paghahanap ng trabaho. Kain-tulog-tambay na raw
ang nagiging gawain nila sa araw-araw. Malaking bahagi raw ng
pagtatambay nila ang panonood maghapon ng iba't-ibang teleserye na kahit
na paulit-ulit na raw ay hindi pa rin sila nagsasawa sa panonood.
Habang nanonood daw sila sa telebisyon, nakakalimutan daw nila ang
kani-kanilang kasawiang nag-uugat sa kawalan nila ng trabaho.
Nagmimistulang pampalimot ang panonood ng telebisyon sa maraming
problema sa buhay na dapat ay ginagawan nila ng paraan, imbes na
tumunganga na lamang nang maghapon sa harap ng telebisyon. Kung ang
ibang tambay sa kalsada ay nalilimutan ang problema nila sa pamamagitan
ng pag-inom ng gin, ang mga wala namang pera'y kontento na sa panonood
lamang ng mga palabas, kahit na hindi nila gusto ang kanilang
pinapanood.
Tambay,
Ano na ang plano mo sa buhay?
May balak ka pa bang
magtrabaho?
Bored ka na siguro, iho?
Ang dami mong sinayang na oras,
'Yan nanaman ang gagawin mo hanggang bukas.
Ano na, pareng tambay?
Tatanda ka na lang ba nang walang saysay?
Telebisyon,
Eksperto ka na ba sa pagpapalit ng istasyon?
Lipat dito, lipat doon,
Ebidensya ng hindi mabihag na atensyon,
Bwisit na bwisit na ang nanay mo,
Ilang taon ka na kasing walang amo,
Sa bahay ka na lamang nalalagi,
'Yan ang ebidensya na hindi ka nagwagi,
Olats ka sa laban ng buhay,
Namumuti na ang buhok mo'y wala ka pa ring saysay.
Binibigyan kita ng +1 na LG para rito; subalit sikaping iwasto ang mga baybay sa susunod (tulad ng dapat ay ebidensiya, iba't iba, at iba pa). Mas magiging mahigpit pa ako sa susunod lalo pa't huling klase n'yo na ito sa Filipino.
TumugonBurahin